Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

The DeVars Chronicles
This is something that would mess up my schedule or turn things another way around - keep me busy for a while.
DeVars: Awit ng Katahimikan

(translated from Devars' Silent Sonata)


Ang iyong sangsang ang kasabay
ng hanging matumal;
At ang iyong atungal ang sugat
ng katahimikang pusakal --

Isang pangit na panaginip
na mabilis magbago
Maglalambing, mang-aakit
at saka maglalaho...

Nais mo bang ako'y gantihan?
O yamang nais ay ako'y matingnan?

...Na kahit kalimutan
para lang mabuwag
ay sadyang nagbabalik -
sa panahon ika'y huwad

Ang naglaho sa simula'y
magpapakita nang hayag.
Mang-aakit, magpaparusa
sa buong magdamag.

At sa muling paghihip,
iyong samyo'y isasaisip;
At sa muling pagtahimik,
sa iyong kanta'y mananaginip.





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum